Hinihikayat ng Ecowaste Coalition, ang publiko na maging mas maingat at malikhain sa paghahanda ng mga dekorasyon at regalo ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner ng Ecowaste Coalition, isa sa pangunahing adbokasiya ng grupo ay ang paggamit ng mga lumang gamit sa bahay upang gawing Christmas decor.

Aniya, hindi kailangang bumili ng mamahaling dekorasyon na naglalaman ng kemikal na delikado sa kalusugan.

--Ads--

Bukod dito, binigyang-diin niya ang pag-iwas sa mga plastik na dekorasyon at ang pagiging maingat sa mga produktong may label na “Made in China,” na posibleng naglalaman ng pintura na may lead content, na maaaring makasama sa mga bata.

Hinikayat din ni Tolentino ang publiko na maging responsable sa pagkain ngayong Kapaskuhan.

Umaasa naman sila na ang ihahanda sa Pasko at Bagong Taon ay yung kaya lamang kainin at huwag maghanda ng labis-labis.

Sa adbokasiyang ito, kabilang ang pag-promote ng zero waste lifestyle, kabilang na ang paggamit ng mga lalagyan na hindi single-use plastic.

Ang simpleng hakbang na ito, aniya, ay makakatulong sa kalikasan at sa kalusugan ng bawat pamilya.