DAGUPAN CITY– Naka-full alert na ang PNP maging ang security forces ng mga paaralan para sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral sa Lunes.

Ayon sa Pangasinan PNP, target nila na makamit ang zero incident sa pagsisimula ng pasukan ngayong taon kaya naman nagtalaga sila ng nasa 881 na pulis sa mahigit 1,491 na paaralan sa lalawigan.
T
Tutukan ng kanilang hanay ang modus operandi ng mga masasamang loob tuwing pasukan.

Magtatalaga rin sila ng police assistance desk malapit sa mga eskwelahan upang tumugon sa mga problema.

--Ads--

Umapela naman ang pulisya sa mga magulang na makiisa sa pagbabantay sa kanilang mga anak.

Samantala, inaasahan ang nasa mahigit walong libong estudyante na magbabalik eskwela sa darating na Lunes sa Mangaldan National High School na isa sa pinakamalaking paaralan sa Region1.

Tiniyak ng pamunuan nito na kasado na ang mga silid-aralan at iba pang gagamiting pasilidad.