DAGUPAN CITY- Naitala ng syudad ng Dagupan ang kauna-unahang pagkakataon na makapagtala ng Zero Casualty hinggil sa Firecracker-related incidents sa Bagong Taon.

Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, simula pa noong Disyembre ay nagsagawa na sila ng mga pagpupulong para maabot ito.

Binigyan halaga ni Fernandez ang sama-samang pagtutulungan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) Dagupan, kapulisan, Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan, at Barangay Officials kaya ito napagtagumpayan.

--Ads--

Samantala, ibinahagi ng alkalde na may 7 hanggang 8 legislative measures na kailangang i-update.

Isa na rito ang may kaugnayan sa paputok.