Walang naidatos na nasawi o nasaktan sa naging pananalasa ng Bagyong Karding sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang pahayag ni PCol. Jeff Fanged ang siyang provincial director ng Pangasinan Police provincial office
na naging ‘peaceful’ ang naging kanilang initial na assessment.

Aniya una rito ay nakapaghanda na ang kanilang hanay kabilang na ang ilan pang mga ahensya ng pamahalaan para sa magiging epekto nito.

--Ads--

Dagdag pa nito na bagaman may mga nailikas na residente dahil sa epekto nito ay wala ng naitalang anumang mga insidente may kaugnayan sa naging pagbaybay ni Karding sa probinsya,

Hindi rin aniya sila nagpapakampante na kahit pa hindi na tuluyang nararamdaman ang epekto nito ay mananatili muna sa red alert status ang Pangasinan hangga’t hindi ito nakakalabas ng ating bansa.

Patuloy din umano ang kanilang monitoring sa iba’t ibang mga bayan partikular na sa mga kanlurang bahagi ng lalaiwgan

TINIG NI PCOL. JEFF FANGED

Paalaa namann ntio sa publiko na sumunod pa rin sa kanilang ipinatutupad nilang mga patakaran at siniguro rin nito na nakahanda ang pulisya sa anumang mga maitatalang sitwasyon sa probinsya.