BOMBO DAGUPAN – Nanatili sa puso at isip namin si Papa. Ganito isinalarawan ang ama ni Melcher Presto, mula sa bayan ng Mangaldan na isa sa mga nanalo sa isang patimpalak ng Bombo Radyo Dagupan ngayong Fathers Day.

Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, ibinahagi nito na ang pinaka tumatak sa kanya ay sa tuwing card day, kung saan siya ay academic achiever ay palagi siyang binibilhan ng ice cream at ice candy ng kanyang ama.

Dalawang taon nang namayapa ang ama dahil sa stroke ngunit halos hindi pa sila ganap na nakaka moveon.

--Ads--

Sa tuwing dumarating ang father’s day ay saka niya napagtatanto na wala na talaga ang kanyang ama.

Dagdag pa nito na magaling magluto ang kanyang ama at ito ang kanyang namana nito sa kanyang ama.

Kaugnay sa selebrayson ng Father’s Day nagsagawa ang ating himpilan ng isang patimpalak kung saan ay maaaring ibahagi ang mga kwento patungkol sa ama o asawa na nakakaantig at tiyak na kapupulutan ng inspirasyon.

Ang ipinadalang entry ni Melcher ay napiling first prize dahil sa nakakaantig niyang kuwento patungkol sa kanyang ama.