Dagupan City – Hinihikayat ng Youth Volunteer facilitators ng Lingayen ang mga kabataan na nagnanais na mapabilang sa kanilang organisasyon at magkaroon ng kakayahan na makatulong at makapagserbisyo sa kanilang kumunidad.

Ayon kay Reina Candelaria D. Veses – President of Youth Volunteer Facilitators of Lingayen na nagsimula lamang din sila bilang isang normal at simpleng mag-aaral kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na maging bahagi at ngayon sya ay president na ng youth volunteer facilitators sa bayan.

Aniya na hindi lamang sa bayan ng lingayen ang kanilang adhikain na maibhagi ang volunteerism ngunit maging sa buong lalawigan ng Pangasinan. Sa pamamagitan ng kanilang mga programa at proyekto ay patuloy ang pagtulong ng mga ito sa bawat kumunidad, hindi lamang sila anya nakatutok sa isang bagay at sitwasyon ngunit dumedepende rin sila sa pangangailangan ng kumunidad.

--Ads--

Lalo na naniniwala ito na ang ‘Kabataan ang pag-asa ng bayan’ kaya naman sinisikap nila na mas dumami pa ang mga kabataan na sumama sa kanilang Samahan.

Binigyang diin nito ang kahalagahan s pagkakaroon ng mga kabataang volunteer facilitators para sa pagbibigay lakas at suporta sa mga komunidad, lalo na sa mga nangangailangan. Gayundin ang oportunidad para sa mga kabataan na matuto at magkaroon ng mga bagong karanasan at iba pa.

Bukod dito isa rin sa kanilang mga tinutulungan ngayon ay ang mga out of school youth na makabalik din sa kanilang mga pag-aaral.

Maaari namang bisitahin ang kanilang official social media page para sa mga karagdagang impormasyon.