DAGUPAN CITY – Gumagawa ng kasaysayan ang Laguna dahil hindi lang isa o dalawa, kundi tatlong Filipinang Beauty Queens ang ipapadala nito sa Miss Universe Philippines 2025—kabilang na si Yllana Marie Aduana mula sa Siniloan, Laguna.

Huling sumali si Yllana, sa Miss Earth 2023, kung saan umabot siya sa Top 4 ngunit hindi nakamit ang korona.

Ngayon, nakatuon siya sa Miss Universe Philippines title, na determinado pang gumawa ng mas malaking epekto.

--Ads--

Kasama niyang makikipag-kompetensya sina Rendelle Ann Caraig mula sa Los Baños at Eloisa Jauod, na kumakatawan sa lalawigan ng Laguna.