Dagupan City – Naglabas ang Sta. Barbara MDRRMO ng Heavy Rainfall Warning No. 13 ng National Localized Precipitation and Risk Services Division (NLPRSD) alas-2 ng madaling araw nitong Agosto 9, 2026, bunsod ng patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Nasa Yellow Warning Level ang Pangasinan, na nangangahulugang may posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa, partikular sa mga lugar na flood-prone at landslide-prone.

Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon, lalo na ang mga nakatira sa mabababang lugar at mga komunidad na malapit sa ilog at daluyan ng tubig.

--Ads--

Hinihikayat din ang mga Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na ipagpatuloy ang monitoring sa kanilang mga nasasakupan at maging handa sa mga susunod na abiso kaugnay ng kondisyon ng panahon.