Mga kabombo! Mahilig ka ba sa pet?

O kaya’y isa ka bang certified Pet lover o fur-mom?

Isang kakaibang uso kasi ang kinahuhumalingan ngayon ng mga kabataan sa China — hindi ito K-pop, hindi rin ito bagong gadget, kundi isang “pet” na… lebadura ng tinapay o yeast!

--Ads--

Sa halip kasi na mag-alaga ng aso, pusa, o hamster, mas pinipili ngayon ng ilang Chinese youth na mag-alaga ng isang garapon ng activated yeast.

Anila, kaya ito ang kanilang pinipili ay dahil sa simple lang ang kailangan — harina at tubig. Wala nang lakad-lakad sa labas, walang dumi, at higit sa lahat, zero stress!

Sa social media, tinawag pa itong “face worm” at bahagi ito ng tinatawag na “static pets” trend — kung saan kahit ang mga bato, buto ng mangga, toothpaste, o kahit kahon ay tinuturing na alaga.

Bagay na bagay umano sa mga abalang kabataan na naghahanap lang ng konting kasiyahan at “companionship” na hindi nakakapagod.

Ayon sa ilang netizens na nahumaling sa trend, swak na swak ang yeast pet para sa mga hindi ready sa responsibilidad ng tunay na hayop.

Sabi naman ng eksperto na si Zhao Meng ng Wuhan Wudong Hospital, natural lang daw sa kabataang overloaded sa school, work, at social pressure na humanap ng madaling source ng joy.