BOMBO DAGUPAN- Inanunsyo ni Wrestling Superstar John Cena ang kaniyang pagreretiro sa industriya ng World Wrestling Entertainment (WWE).

Sa “Money in the Bank” event noong sabado, opisyal nitong ibinalita ang nasabing pagreretiro sa taong 2025.

Labis naman nagpapasalamat si Cena sa mga naging karanasan nito sa industriya sa loob ng maraming taon na kaniyang kinabilangan ito.

--Ads--

Samantala, huling lalahukan nito sa susunod na taon ang Royal Rumble, Elimination Chamber, at WrestleMania.

Nakilala naman ang wrestling superstar sa kaniyang “You can’t see me”.