Maituturing na ‘worst experience’ para sa ilang mga Pilipinong nasa Afghanistan ang nangyaring pagkubkob ng grupong Taliban sa naturang bansa.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mark Donald Suela, isang OFW na narepatriate mula sa Kabul, Afghanistan sinabi nitong ang inaasahan umano nila ay ilang linggo pa ang aabutin bago marating ng mga Taliban ang kanilang lugar. Kaya’t nabalot ng takot ang mga taong nananatili sa Kabul partikular na ang mga Afghan kaya’t sila ay nagdagsaan sa airports at nagakyatan sa mga eroplano upang makalikas. Sunod-sunod umano ang naging putukan ng mga baril matapos ang nangyaring kaguluhan.

Dagdag din ni Suela na maigi silang binantayan ng mga grupo ng Taliban kasama ang iba pang mga lumilikas hanggang sila ay makasakay ng eroplano.

--Ads--
TINIG NI MARK DONALD SUELA

Kuwento niya may mga ilan sa mga kapwa niya OFW ang sa ngayon ay hindi lumalabas sa kani-kanilang lugar habang ang iba nama’y maayos namang nakakausap ang mga sundalong Taliban. Nakipagtulungan naman na rin umano siya sa embahada ng Pilipinas para matulungan ang mga OFW na nais ng makauwi sa bansa.


Sa kasalukuyan ay nasa United Kingdom ang nasabing OFW kasama pa ang lima pang Pilipino matapos silang mailikas ng kanilang pinagtratrabuhang British company.


Patuloy rin umano silang naghihintay ng abiso kung kailan sila makakauwi ng Pilipinas.

TINIG NI MARK DONALD SUELA