BOMBO DAGUPAN- Matagumpay ang isang lungsod sa Mexico matapos makuha ang titulo sa Guinness World Record na “World’s largest string cheese ball.”

Nagtulungan ang Oaxaca state government at ang bayan ng Reyes Etla para sa subuking makamit ang nasabing titulo.

Gumamit ang mga cheese makers ng umiikot na lamesa upang makagawa ng malaking string cheese ball, na kilala din sa Oaxaca cheese.

--Ads--

Matagumpay nila itong nagawa nang makapagtala sila ng kabuoang bigat na 1,402.58 pounds.

Ayon sa mga organizers, umaabot sa 2,641 na mga gallon ng gatas ang kanilang nagamit upang makagawa ng keso.