DAGUPAN CITY–Ikinalungkot ng grupong workers for Peoples Liberation ang survey ng Social Weather Station na halos kalahati ng Filipino adults o katumbas ng 27.3 million katao ang nawalan ng kanilang trabaho o pagkakakitaan dahil sa COVID-19 crisis .

Ayon kay Emily Fajardo, Bataan coordinator ng workers for Peoples Liberation sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, hindi dapat nagpapahayag ng kasiyahan ang gobyerno sa nasabing survey.

Giit niya na nakakalungkot ang nasabing bilang dahil ibig sabihin ay 27.3 million din ang nagugutom ngayon.

--Ads--

Aminado itong kulang sa subsidy o ayuda ang mga manggagawa sa bansa at kung mayron man ay pahirapan bago makuha.

Emily Fajardo, Coordinator – Workers for Peoples Liberation

Inaasahan na maaaring madagdagan pa ang mawawalan ng trabaho dahil may iba pang kompanya ang napipintong magsara.

Samantala, kung may nangyari mang force leave payo niya sa mga kompanya ay sumunod sa mga legal na hakbangin .

Una rito, ikinagalak ng MalacaƱang na hindi 100 porsyentong nawalan ng trabaho ang mga Pilipino dahil sa ipinatupad na lockdown kaugnay sa COVID-19. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, patunay itong matibay raw ang mga Pilipino sa gitna ng mga pagsubok.