DAGUPAN CITY — Muling nagpaala ang Waste Management Division (WMD) ng Dagupan sa mga nagbebenta sa loob ng pampublikong pamilihan ng siyudad pagdating sa pag-se-segregate ng kani-kanilang mga basura.

Sa naging pahayag ni WMD Head Bernard Cabison, madalas nilang napapansin na hindi nai-se-segregate nang maayos ang mga basura sa mga pwesto ng vendors kaya naman pahirapan pa ang ginagawang paghahakot dito ng garbage collectors.

Kaya naman nananawagan din sila na sana ay makipag tulungan naman ang mga nakapwesto sa loob ng palengke upang mas maging mabilis ang pagkuha at pag ipon sa mga basura at ma maximize din ang oras ng mga nangongolekta nito na mga tauhan ng Waste Management Division at ng makolekta rin ng maaga at mabilis ang mga basura na mula pa sa ibang bahagi ng lungsod. // With reports of Bombo Marianne Esmeralda

--Ads--
Voice of Bernard Cabison, WMD Head