DAGUPAN CITY- Hindi biro ang maaaring maranasang winter storm sa bansang Amerika kung saan magdudulot ito ng malawakang epekto sa milyon-milyong mamamayan sa nasabing bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, nararamdaman ang malamig na panahon sa bansang Amerika kung saan nagbigay ng abiso ang pamahalaan sa nasabing bansa sa pagkakaroon ng winter storm.
Maaapektuhan umano ang 60 million na mga mamamayan at hindi biro ang lamig na nararamdaman ng mga tao roon.
May mga estado o states sa bansa na bagaman ramdam ang lamig ng panahon ngunit hindi ganoon maaapektuhan.
Samantala, inaaabishuhan naman ng mga eksperto na iwasang muna ang pagtravel dahil sa mga hazards at ilan pang mga peligrong maaaring maidulot nito sa mga tao.