Tila nagpakita ng lakas ng loob ang aktor na si Will Ashley sa vlogger and actress na si Mika Salamanca .

Ito’y matapos nitong umamin na si Mika nga ang nagustuhan niya sa loob ng isang show ng isang tv program.

Ang pag-amin ay nangyari sa vlog ni Mika kung saan ay isinailalim ang mga ito sa isang lie-detector test challenge.

--Ads--

Ang laro ay pinamagatang “Will You Lie,”habang sinasagot ang mga inihandang tanong ni Mika sa kanya.

Nahati sa tatlong rounds ang mga pagtatanong ni Mika: easy, medium, hard.

Sa una ay kapansin-pansin pa ang pagiging kalmado at maagap ni Will na pagsagot sa mga tanong, hanggang sa umabot na sa huling tanong ni Mika mula sa hard round.

Dito na nga inanong ng actress kung sino nga ba ang nagustuhan ni Will sa sinalihan nilang show.

Imbes na sumagot ay yumuko si Will mula sa kanyang kinauupuan at nagtulug-tulugan.

Ngunit makalipas ang ilang sandali ay inamin ng actor na mayroon nga siyang nagugustuhan at sabay sabing “ikaw”.

Mula sa likod ng camera ay maririnig ang sigawan ng mga kasamahan nila sa set na halatang kinilig sa pagtatapat ni Will.

Agad naman itong umani ng samo’t saring opinyon mula sa mga taga-hanga ng dalawa dahil sa paglalakas loob ni Will na sabihin ang naramdaman kay Mika.