Patuloy na binabantayan ng Amerika ang pagkakaroon ng mga wildfires matapos makapagtala ng mainit na temperatura partikular na sa California at Nevada.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Estella Fullerton patuloy ang nararanasang init lalong lalo na at naitala ang “hottest June” sa naturang mga lugar.

Dahil umano sa pabago-bagong panahon kung saan naitatala ang mainit na temperatura at pag-ulan, nagkakaroon ng mga pagkidlat na nagdudulot ng mga wildfires.

--Ads--

Samantala, pinapaalahanan ng gobyerno ng Amerika ang mga mamamayan nito na iwasan muna ang mga outdoor activities matapos makapagtala ng bagong record ng init ng temperatura.

Dagdag ni Fullerton na ang pamahalaan ay binibigyan ng paalala ang mga mamamayan nito na iwasan muna ang mga hiking at bicycling sa mga maiinit na lugar.

Patuloy rin umano sila sa pag-abiso na uminom ng tubig matapos na may mga naitalang mga namatay at sa hindi rin matigil na pagkakaroon ng mataas na heat index.

TINIG NI ESTELLA FULLERTON

Sinabi rin ni Fullerton na wala pang nakikitaang problema sa suplay ng tubig pero tinututukan pa rin ang posibilidad ng water shortage sa patuloy na pagkakaroon ng mainit na temperatura.