DAGUPAN CITY- Nakapagtala na ng isang nasawi at umaabot sa 4,600 na mga indibidwal ang pinalikas sa Japan mula sa malawakang wild fire.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, ito umano ang tinuturing na pinakamalalang wildfire makalipas ang 3 dekada.

Aniya, simula noong Pebrero 26 hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na sa 2,100 hectares ang nasunog sa Ofunato, northeastern Japan. Ito ay may layong 580 km mula sa Tokyo.

--Ads--

Tinukoy naman na ang sentro ng nasabing sunog ay matatagpuan sa Iwate Prefecture.

Umabot naman na sa higit 80 na mga gusali ang nasira mula sa sunog at nagiging mabilis pa ang pagresponde ng mga otoridad upang mapigilan ang lalong paglawak nito.

Umaasa naman sila na makatutulong ang pag-snow sa lugar upang mapabilis ang pag-apula sa sunog.

Ani Galvez, bagaman wala pang kumpirmasyon subalit nakikita ng Fire and Disaster Management Agency (FDMA) na ang mababang tsana na pag-ulan at napaka-init na summer noong nakaraang taon ang naging sanhi ng mabilis na paglawak ng sunog.

Bulubundukin kase ang nasabing lugar at maraming kakahuyan kaya napabilis ang pagkalat nito.

Samantala, sinabi naman ni Galvez na sistematiko at mabilis ang pagresponde ng mga otoridad dahil na rin sa kamakailan naranansang namiminsalang sakuna sa Japan.

Inuuna rin ang kaligtasan ng publiko kaya kinakansela ang ilang mga pasilidad lalo na ang transportasyon.