Ibinahagi ng isang kababayang Pilipino sa Northern California, USA ang kabuuang pinsalang dulot ng wildfires sa tatlong estado sa nabanggit na bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jun dela Cruz mula sa nasambit na lugar ay hindi pa aniya nangyayari sa kasaysayan na kumalat at matupok ng mga wildfire ang tatlong estado na California, Oregon, at Washington D.C. sa bahagi ng West Coast area na tinatawag din umanong August Complex Fire.

Na siyang nakapaminsala na ng humigit-kumulang 1.5 hectares sa ibat-ibang lugar sa California.

--Ads--

Dagdag nito, higit 40,000 katao na rin ang mga inilikas sa Oregon, at sa loob lamang ng tatlong araw ay 450 hectares na ang natupok.

Ilang dosenang wildfire na rin ang naiulat sa Washington D.C. at nakapaminsala na aniya ito ng hihigit sa kalahating milyong ektarya.

Samantala, hindi umano matatawaran ang hirap at sakripisyo ng mga kawani ng pamahalaan doon sa pag-apula ng mga apoy.