BOMBO DAGUPAN – Tinututukan ngayong tag-ulan ng Department of Health Region 1 ang mga Wild Diseases kabilang ang water-borne diseases, influenza, leptospirosis at dengue.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis Medical Officer IV, Department of Health Region I na ang mga nasabing sakit ang talagang kanilang tinututukan kung saan mayroon ng 29 na kaso ng leptospirosis sa rehiyon mas mataas ng bahagya kumpara noong nakaraang taon.

Habang ang kaso naman ng dengue ay mayroon ng 1428 kabuuang bilang mas mababa naman ng bahagya noong nakaraang taon na may naitalang kasong 1876.

--Ads--

Samantala ang influenza at water-borne disease gaya ng diarrhea ay patuloy parin ang monitoring.

Mayroon ng pitong nasawi dahil sa leptospirosis, apat sa dengue at wala namang naipapaulat kaugnay sa influenza at diarrhea.

Nagpaalala naman si Dr. Bobis na ngayong panahon ng tag-ulan ay mainam kung kaya ay mainam na iwasang lumusong sa tubig baha dahil madamaing bacteria at viruses na makukuha dito.

Dagdag pa niya na kung hindi naman kayang iwasan ay magsuot na lamang ng bota.