DAGUPAN CITY- Binahagian ng Department of Education (DepEd) ng pondo ang West Central Elementary School para matugunan ang problema sa pagbaha tuwing may pagbagyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Renato Santillan, Principal IV ng naturang paaralan, umaabot ng P49,000 ang pondong ibinigay para clean up, elevation, at iba pang pangangailangan ng paaralan para sa nasabing problema.

Aniya, kanilang napagplanuhan na pataasin ang silid aralan na pasok sa kanilang budget at sinimulan nila ito sa Grade 1.

--Ads--

sa kasalukuyan, natapos na ang nasabing pagpapataas ng isang classroom at inaantay na lamang na matuyo ito.

Ganito rin aniya ang kanilang ginawa sa natanggap na budget noong nakaraang taon nang makaranas din ng pagbaha.

Mayroon pa aniyang 13 classrooms ang kailangan pang maitaas.

Ayon kay Santillan, halos umabot na sa tuhod ang lebel ng tubig baha sa kanilang paaralan nang manalasa ang Bagyong Uwan.

Ilang mga kagamitan ng paaralan ang nalubog sa baha, kabilang na ang mga cabinet ng mga guro.

Sa kabutihang palad lamang na walang bubong ng paaralan ang nilipad ng nasabing bagyo at tanging bintana lamang ang natanggal.

Sa kabilang dako, sa bisa ng Aral Program, naihahabol na umano ang mga araling naapektuhan ng kamakailang mga suspensyon dulot ng bagyo.