Natagpuan sa isang abandonadong bahay ang nakabigting katawan ng isang 20 anyos na dating welder sa Manila na dumaranas di umano ng mental disorder dahil sa depresyon at kawalan ng trabaho sa gitna ng pandemiya sa bayan ng Bani, Pangasinan.

Nagpatiwakal ang nakilalang si Reggie Castillano, residente ng Brgy Tugui Grande sa bayan ng Bani gamit ang isang tali sa isang abandonadong bahay humigit kumulang 50 metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Nawalan ng trabaho si Reggie buhat ng maapektuhan ng lockdown sa Manila dahil sa covid19 pandemic kayat umuwi ito sa probinsiya at natambay.

--Ads--

Ayon kay PCpl. Melchizedek Macaltao, duty investigator Bani PS, umuwi ng alas-6 ng gabi kahapon, February 3, 2021 ang biktima sa kanilang bahay nang nakainom at may dalang alak at umalis ulit ng bahay at nagpapaalam sa kaniyang live in partner.

Dakong alas-8 na ng gabi hindi pa umuuwi ang biktima kung kayat hinanap na siya ng kaniyang live in partner at doon nadiskubre ang katawan nito na nakabigti na.

PCpl. Melchizedek Macaltao, duty investigator Bani PS

Ayon sa kalive in partner ng biktima na si Geraldine Yamson, makailang beses na rin sinasabi ng biktima na magpapakamatay ito at nakakaranas ng mental disorder kung saan sinasaktan din umano siya sa tuwing nalalasing ang biktima.

Ito na ang ikalawang suicide incident na nangyari ngayong taon sa bayan ng Bani.

Mensahe naman ng opisyal sa mga nakakaranas ng problema na huwag itong sarilihin bagkus ay humingi ng tulong sa pamilya o kamaganak.