DAGUPAN CITY- “Prevention is better than cure”

Ito ang paalala ng isang eksperto sa kalusugan hinggil sa waterborne disease na maaaring makuha ngayon panahon ng tag-ulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Glenn Soriano, US Doctor & Natural Medicine Advocate, kadalasang lumalabas na sakit gantong panahon ay ang leptospirosis at cholera, gayun na din sa dengue.

--Ads--

Aniya, bagamat viral infection ang dengue, hindi na rin ito nalalayo sa leptospirosis dahil mula rin sa naimbak na kontaminadong tubig ang mga lamok na nagdadala ng dengue sa isang tao.

Habang ang leptospirosis naman ay mula naman sa kontaminadong tubig na may ihi ng hayop, partikular na ang daga.

Ang cholera naman, ayon pa rin kay Dr. Soriano, ay nakukuha naman sa pagkain ng mga marurumi at kontaminadong pagkain at inumin.

Ani Dr. Soriano, upang maiwasan ang mga ito, mahalagang mapanatili ang kalinisan sa sarili at kapaligiran.

Manatili rin na kumain ng malulusog na pagkain upang mapalakas pa ang immune system na lalaban sa mga naturang sakit.

At kung makaranas naman ng mga sintomas tulad ng tumatagal na trangkaso, o di naman ay pagdudumi, mas mabuting dumako na agad sa malapit na pagamutan upang maresetahan ng tamang gamot.

Mayroon kaseng mga gamot na kinakailangan subalit, hindi naman nabibili ng walang reseta mula sa legitimate doctor.