Dagupan City – Ipinahayag ni Councilor Gab Macaraeg, Chairman ng Committee on Laws, Rules, and Privileges ng Sangguniang Bayan ng Lingayen, ang kanyang pagkadismaya sa patuloy na reklamo ng mga residente hinggil sa mahinang serbisyo ng Prime Water sa bayan.

Ayon kay Macaraeg, noong Oktubre 10, 2025, ay nagsagawa na ng committee hearing upang talakayin ang mga isyu kaugnay ng serbisyo ng Prime Water.

At sa nasabing pagdinig, muling nangako umano ang kompanya na aayusin ang kanilang serbisyo, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring makikitang pagbabago.

--Ads--

Isa sa mga napag-usapan sa naturang pagdinig ay ang posibilidad na magpasok ng bagong water service provider, upang masiguro na matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa maayos at tuloy-tuloy na suplay ng tubig.

Dagdag pa ni Macaraeg, bagama’t sinasabi ng Prime Water na bukas ang kanilang tanggapan sa mga reklamo, wala naman umanong konkretong aksyon na nakikita mula sa kumpanya upang maresolba ang mga problema.