Nanatiling normal ang water level sa San Roque dam sa kabila ng matinding init ng panahon dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Tom Valdez, Vice President for Corporate Social Responsibility ng San Roque Power Corporation, patuloy parn ang pakikipag ugnayan nila sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ang normal high water level ay 280 Meters Above Sea Level o MASL.
--Ads--
Ang tubig dito ay ginagamit upang makapag-generate ng kuryente at patubig sa mga irigasyon.
Ngayong panahon ng tag init, mas marami aniya ang gumagamit ng kuryente kung kayat minsan ay bumibigay ang planta kaya ito ang marapat na babantayan ng mga operators.
Samantala, sa ngayon ay wala silang natatanggap na ulat na kakulangan ng patubig sa irigasyon.