DAGUPAN CITY- Binuksan ang isang bagong handwashing facility ang sa Sampaguita Child Development Center sa bayan ng San Nicolas upang ituro ang kahalagahan ng wastong paghuhugas ng kamay.

May sukat ang pasilidad na siyam na metro kwadrado, ay may bubong upang hikayatin ang mga mag-aaral na maghugas ng kamay anuman ang panahon, pagkatapos maglaro o bago kumain.

Ang proyekto, na pinondohan mula sa Development Fund 2025, ay naglalayong tulungan ang mga bata na maisagawa nang maayos ang tamang hygiene practices, anuman ang kondisyon ng panahon.

--Ads--

Sa kasalukuyan, may 18 mag-aaral sa Child Development Center ang direktang makikinabang sa naturang proyekto.

Binigyang-diin na ang paghuhugas ng kamay ay isang susi bilang pinakasimple ngunit pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.