DAGUPAN, CITY— Nagpaalala sa publiko ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan sa pamamagitan ng Waste Management Division na itigil ang pagkakalat sa iba’t ibang pasyalan tulad ng Tondaligan beach at maging sa De Venecia road.
Ayon kay Bernard Cabison ang Head ng Waste Management Division ng siyudad ng Dagupan kanilang napansin na marami sa mga beachgoers ang walang pakundangan kung magtapon ng basura kung saan saan.
Dagdag pa dito ay kanilang naapapansin din ang sako sakong basura na itinatapon sa gilid ng De Venecia road na hindi alam kung ito nga ba ay galing sa mga karatig bayan.
Mayroon umanong mga nakatricycle na iniiwanan lamang ang kanilang mga basura kapag umaga at basta na lamang aalis.
Kadalasan sa kanilang nakikitang basura ay ang mga plastic na pinaglagyan ng inumin at straw sa beach at sa highway naman ay ang mga basura ng itinakeout na food chain.
Upang tugunan naman ito ay may team ng marshalls na itinalaga ang WMD at ipinakalat ang mga ito sa tondaligan beach, de venecia road at sa central business district upang manghuli ng mga violators.
Nagsagawa na din ng Information dissemination sa mga shed owners at maging sa mga vendors upang mapanatili ang kalinisan.
Samantala, pinaghahandaan naman ng mga ito ang pista ng dagat na magaganap sa Mayo uno dahil sigurado umanong dagdagsa sa beach ang mga dayo mula sa ibat ibang lugar kayat kanilang iiimplementang mabuti ang mga ordinansa at pinapaalalahanan ang mga tao na bawal ang magkalat maging ang pagihi at pagdura sa mga pampublikong lugar. (with reports from: Bombo Adrianne Suarez)