Dagupan City – Naaresto ang isang lalaki na wanted sa Binalonan dahil sa paglabag sa illegal na sugal.

Ang suspek ay isang 63 taong gulang na construction worker at residente ng Binalonan, ay dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Binalonan MPS at Dasol Maritime Law Enforcement Team (MLET).

Ang pag-aresto ay base sa warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Sec. 1 (A) ng P.D 1602 (Illegal Gambling) sa ilalim ng CC No. 9321, na may rekomendang piyansa na PhP5,000.00.

--Ads--

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Binalonan MPS ang suspek para sa tamang disposisyon.