Dagupan City – Handa nang lumaban at iwagayway ang bandila hindi lamang ng Region 1 kundi pati rin ang bayan ng Asingan dito sa lalawigan ng Pangasinn ang walong estudyante mula sa Angela Valdez Ramos National High School (AVR NHS) para sa palarong Pambansa 2025.

Punong-puno ng determinasyon at sipag ang kanilang sepak takraw team upang makilahok sa isang linggong laro na magaganap sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Samantala, bilang mga kinatawan ng bayan ay nagbigay ng suporta si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga bagong jersey at sapatos.

--Ads--

Ipinahayag din ng alkalde ang kanyang buong tiwala sa kakayahan ng mga batang atleta kung hinihikayat silang ituon ang pansin sa kanilang mga pangarap, disiplinahin ang sarili, at manatili sa layuning makamit ang tagumpay sa kanilang laban.

Dahil dito, Inaasahan din ang mainit na pagsuporta ng buong Asingan sa mga estudyanteng ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng laro ngayong taon.