Ayon sa Provincial Health Office (PHO), may tatlong nadagdag sa limang nauna nang nag negatibo sa nakamamatay na virus.
Ang tatlo ay kinabibilangan ng 66 anyos na babaeng pasyente mula sa barangay Binalay, Malasiqui na na-admit sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH) noong Marso 22; isang 33 anyos na lalaking pasyente mula sa barangay Salomague, Bugallon na na-admit sa kaparehong facility noong Marso 27; at 75 anyos na lalaking pasyente mula sa bayan ng Infanta na na-admit sa Region 1 Medical Center noong Marso 22.
Ang mga nakarekober na pasyente mula sa bayan ng Malasiqui at Bugallon ay may travel exposures sa Metro Manila habang ang pasyente mula sa Infanta ay maaring na-expose sa COVID-19 dito sa lungsod ng Dagupan.
Samantala, dalawa namang health workers mula sa lungsod ng Dagupan ang nakarekober mula sa Covid-19 habang nag negatibo rin sa test ang tatlong namatay na patients under investigation o PUIs.
Si PH2329, na isang 37 anyos na R1MC employee mula sa Barangay Bonuan Gueset, ay napag alamang nag positibo sa Covid-19 virus, base sa laboratory test result na nilabas noong March 31.
Isinailalim ito sa quarantine sa R1MC, makaraang ma exposed sa isang Covid-19 patient mula sa bayan ng Rosales. Samantala ang PH 2331, na 50-anyos na health worker mula sa Barangay Lucao, ay nagpositibo rin sa Covid-19 virus base sa laboratory test na inilabas noong March 31.
Samantala, negatibo rin sa virus ang tatlong namatay na suspected Covid-19 cases o patients under investigation (PUI) mula naman sa iba t ibang barangays sa lungsod.
Kabilang sa tatlong namatay na PUIs na nag-negatibo sa Covid-19 virus ay kinabibilangan ng 74-anyos na retired public school teacher mula sa Barangay Caranglaan, na namatay noong April 14, sa R1MC.
Ang iba pang pumanaw na PUIs na tested negative sa Covid-19 virus ay ang 79-anyos na balo mula sa Barangay Pantal na namatay sa isang private hospital noong April 7, isang araw matapos maadmit sa ospital dahil sa cerebro vascular disease at ang 56-anyos na lalaki mula sa barangay Lomboy na namatay nang ito ay madala sa isang private hospital noong April 9.