Walang pasok sa darating na Abril 5, taong kasalukuyan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay dineklara ng Malacanang bilang special non-working holiday sa lalawigan upang gunitain ang 441st Founding Anniversary ng probinsiya o ang Agew na Pangasinan.

Kaakibat pa rin ang pagsasagawa ng social distancing at iba pang public health measures sa pagselebra nito sa pamamagitan ng ilang mga seremonya.

--Ads--

Opisyal itong nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, noong Martes, Marso 30, taong kasalukuyan.