Pinabulaanan ni Dagupan City mayor Marc Brian Lim ang kumakalat na balita na magkakaroon ng lockdown dito sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ng alkalde na huwag paniwalaan ang mga panakot lamang ito dahil gustong magpanic ang ga tao.

Inihalimbawa nito sa Manila na bagamat nasa ECQ sila ay nananatiling operational ang transportasyon at mga kalakalan.

--Ads--

Sinabi ni Lim na bagamat may mga highten restrictions pero hindi na dati na nanaranasan noong mag simula ang pandemic na nasa bahay lang ang mga tao.

Dagupan City mayor Marc Brian Lim

Samantala, pinag iingat ni Dagupan City mayor Marc Brian Lim ang publiko sa delta variant.

Ayon kay Lim, walang bayan na bumababa ang kaso at maaaring mayroon ng delta variant.

Giit ng alkalde na hindi siya genome sequencer pero bilang mayor ay ipinapalagay na niyang mayroon ng nabanggit na variant sa ciudad dahil buong mundo ay mayroon na ito.

Dagupan City mayor Marc Brian Lim

Samantala, nanawagan ang alkalde na nararapat na maghigpit ang mga business establishment at magpatupad ng minimum health protocols sa mga workplace upang maiwasan ang household infections.

Dagupan City mayor Marc Brian Lim