Binigyang llinaw ni Freddie Villacorta, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa bayan ng Calasiao na walang dike na bumigay sa nasabing bayan.

Ayon kay Villacorta, tumaas lang ang tubig sa kanilang bayan dahil sa pag apaw ng Marusay River.

Paliwanag niya na ang pag apaw ng tubig sa ilog ay dahil sa tubig na nanggagaling sa taas o mga bulubunduking lugar.

--Ads--

Inaasahan na ang tubig ay dederetso umano sa mga mabababang lugar kasama na ang lungsod Dagupan.

Freddie Villacorta, head Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Calasiao

Bukod riyan ay may ginagawa aniyang drainage sa magkabilang kalsada na lalong nagpahirap sa mga daanan at nagpabigat ng trapiko.