Epektibo na sa unang linggo ng buwan ng Mayo ang 25 hanggang 30 piso na wage increase sa mga mangagawa sa rehiyon 1.

Uumpisahan ng Department of Labor and Employment kasama ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang publication ng inaprubahang taas sahod para sa mga minimum wage earners sa rehion 1.

Umaabot sa P25 hanggang P30 ang dagdag sa kasalukuyang P310 na minimum daily wage ng mga manggagawa.

--Ads--

Ilan sa mga naging batayan ng wage increase ang socio economic condition ng rehiyon at pagtaas sa presyo ng mga bilihin.