Tinawag ni Vice President Sara Duterte na “tuta” nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating senador Antonio Trillanes IV ang International Criminal Court (ICC)

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga Duterte supporters na nagtipon sa labas ng ICC sa The Hague, Netherlands nitong Miyerkules, Hulyo 29. Ang pagtitipon ay isinagawa habang nagpapatuloy ang pagdinig ng ICC sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati, kinuwestiyon ni Duterte ang umano’y pagiging patas ng ICC at iginiit na ginagamit umano ang hukuman laban sa kanilang pamilya. Pinuna rin niya ang umano’y naging papel nina Marcos at Trillanes sa pagkakaso at pag-aresto sa dating Pangulo.

--Ads--

Matatandaang patuloy na iginigiit ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas matapos kumalas ang bansa sa Rome Statute noong 2019. Gayunman, naninindigan ang ICC na maaari nitong litisin ang mga kasong isinampa kaugnay ng mga alegadong krimeng naganap noong miyembro pa ang Pilipinas ng Rome Statute.