Naniniwala ang isang political analytst na may posibilidad na nasa radar din ng International Criminal Court (ICC) si vice president Sara Duterte dahil maaaring kasama siya sa reklamo kaugnay sa Extra judicial Killings.
Sa panayam ng bombo radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst, ang mga napaulat na EJK ay pasok sa panahon kung saan ay mayor pa ang kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte at siya naman ay vice mayor pa noon ng Davao.
Paliwanag ni Yusingco na hindi otomatik na sasabihin ng ICC na mayroon siyang liability dahil pag aaralan pa ito kung dapat bang isyuhan siya ng warrant of arrest.
Aniya, maaring nasa radar siya pero hindi pa nakakasigurado kung mausyuhan siya ng warrant dahil kailangan pa umanong pag aralan pa ng korte at depende sa argumento ng mga abogado.
Dagdag pa niya na ang pagrerekord sa mga bisita sa The Hague ay standard practice na at matagal nang ginagawa.
Una rito ay isiniwalat ni VP Sara na kaniyang pinaniniwalaan na kabilang na siya sa mga listahan ng International Criminal Court (ICC) na maaaring ipaaresto.
Kaniyang naisip ito nang bisitahin ang kaniyang ama sa detention center sa The Hague, Netherlands kung saan ay naghigpit umano ang ICC at ini-rerecord umano ang kanilang mga usapan.