Kahit isa lang sa pitong articles of impeachment na inihain ng Kamara ay maaari ng mapatalsik sa pwesto kung mapatunayang guilty si VP Sara Duterte.

Ito ang pahayag ni Atty. Joseph Emmanuel Cera, isang kilalang Constitutional Lawyer sa Pangasinan.

Aniya, maaalis ito sa Office of the Vice President at madidiskuwalipika sa anumang public office at matatanggal na ang pangalan sa balota.

--Ads--

Dagdag pa ni Cera, tila maghahabol na ng oras dahil sa malapit ng magbreak o recess ang sesyon sa senado.

Ngunit maaari naman aniya na magdaos ng special season, pero imposible na lahat ng senador ay makakadalo sa hearing dahil nakatutok na sa pangangampanya ang mga reelectionist senators.
Gayunman, paliwanag pa nito na kapag hindi pa rin natapos ang deliberation ay maki carry over ng susunod na Senate congresss.

Samantala, sa gitna ng impeachment case ay naniniwala si Cera na hindi magreresign ang bise presidente dahil ang kapangyarihan niya bilang pangalawang pangulo ay siyang gagamitin niya para protektahan ang anumang criminal prosecution sa kanya.

Hindi naman maiaalis ang posibilidad na magkaroon ng edsa 4 gaya ng nangyari noong Edsa 3 kay dating president Joseph Estrada pero umaasa pa rin na humantong sa peacefull political exercise.

Matatandaan na kahapon nang matanggap ni Senate Secretary General Renato Bantug mula kay House Secretary General Reginald Velasco ang kopya ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos iendorso ng 215 miyembro ng Kamara ang nasabing impeachment complaint.

Ang hakbang ay halos dalawang buwan mula noong naihain ang tatlong impeachment complaints laban kay Duterte sa mababang kapulungan ng Kongreso.