Hindi pa umano handang maging presidente sa bansa si VP Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sa panayam sa kanya ng Bombo radyo Dagupan, kung maganda sana ang kanyang performance at naging mahusay na DEPED secretary noon ay maaring paniwalaan ang pahayag niyang handa siyang humaliling pangulo.
Ani Yusingco, kahit maluklok pa si Duterte bilang pangulo, malabong mawala ang usaping korupsyon sa bansa dahil siya rin mismo ay sangkot sa korupsyon na naging basehan ng impeachment complaint laban sa kanya.
Giit ng analyst, na marami pang kailangang gawin ang kasalukuyang administrasyon upang maresolba ang malalaking isyu sa pamahalaan.
Kailangan umano ngayon ng bansa ang mas mataas na antas ng transparency at accountability.
Nais umano ng publiko ay umusad ang mga kaso ng katiwalian at huwag basta-basta nade-dismiss upang masiguro na mapapanagot ang lahat ng sangkot.
Una rito, nagpahayag ng kahandaan si Duterte na maupong pangulo sakaling bumaba sa puwesto si Pangulong Marcos Jr dahil sa mga walang humpay na kurapsyon na nagaganap sa bansa.
Hindi na dapat umanong kuwestiyunin ang kaniyang kahandaan dahil naipresenta niya ang sarili noong tumakbo siya bilang Bise Presidente ng bansa kung saan sa batas ay siya ang nakahanay na papalit sa pangulo.










