BOMBO DAGUPAN – Naniniwala si Vice President Sara Duterte na political harassment ang pag-uugnay sa kanyang kapatid na si Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte at kaniyang mister na si Atty. Mans Carpio sa P6 bilyong drug shipment noong 2018.

Matatandaang isiniwalat ni dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban sa isang pagdinig ng Kamara kamakailan, ang pagkakasangkot umano nina Carpio at Duterte kasama pa si former presidential economic adviser Michael Yang sa nabanggit na ilegal na shipment.

Ayon pa kanya, inasahan na rin daw niya ang posibleng paghahain ng impeachment laban sa kanya.
Inamin niya na alam niyang may mga umuugong na usapan na tila may nagsusulong daw na magkaroon ng impeachment para sa kaniya, batay sa mga sinasabi ng ilan niyang kaibigan.

--Ads--

Muling inulit ni VP Sara na handa siyang sumailalim sa hair follicle drug test at nais na masabay ang mga kapatid niya bilang tugon sa kahilingan ng ilan para sa nasabing hakbang.

Nauna rito ay hinamon ni Roque si VP Duterte at kanyang mga kapatid na lalaki na sina Davao Rep. Paolo Duterte and Davao City Mayor Baste Duterte na manguna sa pagsasailalim sa drug test.