Inihayag ni House Private Prosecutor Lorna Kapunan na nais ng prosecution panel na iharap si Vice President Sara Duterte bilang kanilang saksi sa impeachment trial.

Dahil dito, nagdesisyon ang panig ng prosecution na hindi na iprisenta ang iba pa nilang natitirang saksi para sa Article I.

Ayon kay Kapunan, hihingi sila ng opisyal na subpoena para sa bise presidente pagkatapos mailahad ang lahat ng Articles of Impeachment.

--Ads--

Layunin ng prosecution na direktang kunin ang pahayag at panig ng opisyal kaugnay ng mga paratang laban sa kaniya sa impeachment court.