DAGUPAN CITY–Nakahandang magbitiw sa puwesto ang Vice President ng Philhealth Region 1 kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na balasahan sa mga Regional Offices ng Philhealth.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, handa umanong magbitiw si Alberto Manduriao, vice president ng Philhealth Region 1 kung mapatunayuan na sangkot ito sa anomalya.

Giit niya na sa 24 taon nito sa serbisyo ay wala ni isa mang kinasangkutang katiliwalian sa kanilang opisina.

--Ads--

Magtatandaan na iniutos ni Duterte kay dating National Bureau of Investigation Director Dante Gierran na siyang bagong presidente at chief executive officer ng Philippine Health Insurance Corp. ang balasahan sa mga regional offices ng Philhealth dahil sa isyu ng korupsyon.