DAGUPAN, CITY— Pinatutsadahan ng Regional Vice President ng PhilHealth Regional Office I ang mga indibidwal na nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa mainit na isyu tungkol sa tangkang pagsira ng mga mahahalagang dokumento sa kanilang tanggapan.

Kaugnay ito sa nauna nang ulat hinggil pagta tangkang umanong ng ilang kalalakihan na sumira sa mga mahahalagang dokumento na maaring maging ebidensya sa gumugulong na imbestigasyon sa alegasyon sa mga opisyal na sa sangkot sa Philheath fraud

Ayon kay Alberto C. Manduriao, isang “malicious report” ang ipinaparating ng mga nasa likod ng naturang impormasyon.

--Ads--

Aniya, kung ang naturang indibidwal ay taga loob ng naturang tanggapan ay hindi umano magandang gawain iyon at kung taga labas umano ng kanilang opisina ang informer nito, ay paano umano nilang nasabi ang kanilang akusasyon lalo na’t wala umano silang maipresentang ebidensya.

Dagdag pa niya, na nakasarado lahat ng entry points sa kanilang tanggapan at nakabantay ang mga ito upang masiguradong ligtas ang lahat ng mga dokumento.

Saad ni Manduriao na gusto niyang malaman ang mga nasa likod ng naturang maling impormasyon.