Dagupan City – Naumpisahan na ng COMELEC Malasiqui ang pagsasagawa ng inspection sa mga voting center o voting precint sa kanilang bayan bilang paghahanda sa darating na halalan.
Ayon kay Jenett Hernandez – Election Officer IV, COMELEC Malasiqui, mayroon silang kabuuang 61 voting centers na kanilang tinitiyak na maayos at handa ang bawat presinto para sa mga botante.
Aniya na nakabuo na rin sila ng electoral boards na maglilingkod sa araw ng eleksyon na kanila na ring naisumite ang listahan ng mga pangalan nito.
Binubuo ito ng chairman, poll clerk, third member, electoral board support staff, DESO support staff, at DESO technical support staff na may halagang gampanin lalo na’t automated counting machine ang gagamitin sa araw ng halalan.
Nakapaskil na rin sa kanilang bulletin board ang mga naimprintang computerized voter’s list na kung saan ay makikita kung sino ang makakaboto upang maging transparent at accessible ang impormasyon at binigbigyan din ang bawat barangay ng listahan para kumpletong mailahad ito sa lahat ng botante sa bawat brgy.
Nais naman ni Hernandez na importante lang na sumunod ang mga kandidato sa alitintunin na ibinababa ng COMELEC.
Samantala, para sa karagdagang impormasyon, magtatapos ang sa Hunyo 11 na siya namang inumpisahan na noong Enero 12; ang National campaign period ay mula Pebrero 11 hanggang Mayo 10; mula Marso 28 hanggang Mayo 10 naman ang Local campaign period; at ipinagbabawal ang pagbebenta o pagbili ng inuming alak sa Mayo 11.