Puspusan ang isinasagawang voter’s registration ng Commission on Election o COMELEC Binmaley para sa kanilang mga residente lalong lalo na sa mga kabataan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE)
Ayon kay Estrella Cave ang siyang election officer ng Comelec Binmaley na umabot na sa 1,400 sa unang apat na araw ng voters registration at nakita rin nila ang pagbabago na kung saan mas aktibo na ang mga kabataan sa kanilang pagpaparehistro at sumusunod na rin sila sa mga requirements na kinakailangan gaya na lamang sa pagdadala ng valid id at birth certificate.
Dagdag pa nito na kada araw ay naglalaro sa 200-300 ang mga botanteng nagpaparehistro.
Inaasahan naman nila na aabot sa 4000 ang mga application hanggang matapos ang itinlagang voters registration.
Target naman nilang mapuntahan ang lahat ng may high school level sa bayan para maabot ang mga mga kabataan na nasa edad 15 yearls old above.
Dahil rin sa kunting araw lamang na ibinigay sa kanila ay hindi na sila nagkaroon pa ng satellite voter registration sa bawat barangay.
Kaya naman magtungo lamang sa kanilang tanggapan at mas mainam kung aagahan naman ng mga ito.