DAGUPAN CITY- Hindi pa dinadadagsa ng mga magpaparehistro sa bayan ng Alcala para 2026 Barangay and Sangguniang Kabataang Elections ang voters’ registration makalipas itong magbukas noong October 20.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Roberto Pagdanganan, Election Officer III ng Commission on Election (Comelec) Alcala, ito ay sa kadahilanang hindi pa naaabot ang ilang mga residente ang naturang impormasyon hinggil sa pagpaparehistro.

Kaya aniya, nagsagawa sila ng Barangay Assembly ngayon weekend upang ipaalam sa mga residente ng mga naturang barangay na kanilang pinuntahan at pupuntahan na nagsimula na ang voters’ registration.

--Ads--

Sa kasalukuyan, paunti-unti o paisa-isa pa ang mga pumupunta sa kanilang opisina kumpara sa nakaraang nagbukas ito.

Gayunpaman, marami rin naman aniya ang mga nagpa-transfer.

Nagpaalala naman si Pagdanganan sa katipunan ng mga kabataan na nasa edad 18 na hindi na nila kailangan magparehistro muli kung nagawa na nila ito noon.

Bukod pa riyan, may pagkakataon magparehistro ang mga kabataan sa nasabing bayan sa lunes hanggang miyerkules sa susunod na linggo kung kailan walang pasok sa paaralan.

Gayunpaman, magsasara ang kanilang tanggapan sa darating na mga holiday, kabilang na ang November 1.

Samantala, makikipag-coordinate ang kanilang tanggapan sa mga High School upang alamin ang mga araw na maaaring makapagrehistro ang mga kabataan.