Nagsagawa ng Voters Education Program sa syudad ng Dagupan sa pangunguna ng Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals Dagupan City Chapter katuwang ang Parish Pastoral Council of St. Therese Church-Dagupan at Comelec-Dagupan.

Layon nitong magbigay kaaalaman sa mga botante upang magkaroon ng pamantayan sa pagpili ng ibobotong mga kandidato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan Derick Dawis, Chapter Head- BCBP Dagupan Chapter ang kanilang organisasyon ay ilang taon ng nagbibigay ng impormasyon lalo na sa tamang pagboto.

--Ads--

Kung saan binigyang diin nito na dapat maging tapat sa kapwa, sa diyos at sa sarili.

At ang ganitong aktibidad ay malaki ang maitutulong partikular na sa mga botante.

Habang pagbabahagi naman ni Janice Roma Hebron – Trustee, PPCRV National Board/Coordinator for Luzon patuloy nilang ipinopromote na maging tapat ngayong darating na eleksyon dahil aniya ang bawat eleksyon ay pangarap at panalangin.

Dahil tuwing eleksiyon ay pinapanalangin nito na maging malinis, tapat, tiyak at mapayapa ang halalan.

Samantala, inihayag naman ni Jennesse Viktora Mejia, Miss Malasiqui-Limgas na Pangasinan 2024 Grand mainam na hindi lamang malaman ang plataporma ng bawat kandidato bagkus ay importanteng malaman ang kanilang ugali at magbackground check.

Inihalintulad naman nito ang mga kandidato sa isang manliligaw na dapat munang kilalanin ng mabuti bago sagutin.