Dagupan City – Higit na kinakailangang pagtuunan ng pansin ang Voters Education sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Danilo Arao, convenor ng election watchdog Kontra Daya, sinabi nito na ito kasi ang higit na kinakailangan ngayon ng mga botante sa bansa lalo na’t marami ang nasisilaw at nadadaan sa mga pangako at pagtangkilik ng Political Dynasty.

Kaugnay nito, ngayong nagsimula naman na ang Campaign period para sa local election, sinabi ni Arao na aasahan pa ang mas maingay at lantarang pangangampaniya partikular na ang ilegalidad na ginagawang vote buying.

--Ads--

Kung kaya’t dapat aniya na mas paigtingin pa ng mga botante ang pagmamanman sa paligid para mai-reporma ang iba’t ibang pandaraya.

Gaya na lamang ng mga cash transation na dati pang tinatangkilik ng mga botante.

Bukod pa rito, dumagdag pa aniya ang paggamit sa “ayuda” bilang uri na rin ng vote buying gaya na lamang ng pagpapamudmod ng grocery items, raffles, at kung minsa’y ang payount center na kanilang ginagamit na rin sa pangangampaniya.

Dito na binigyang diin ni Arao na ang vote buying ay karaniwang tinatangkilik ng mga mayaman at may kapangyarihan kaya kinakailangang palalimin pa ang voters education.

Sa huli, muling nilinaw nito na ang voters education ay hindi lang inaasa sa mga unibersidad, kundi sa eleksyon at demokrasya kung ano nga ba ang nangyari para makita kung ano ang katotohanan sa social media.

Samantala, hinggil naman sa network disinformation, kinakailangan din aniya ng media literacy.