DAGUPAN CITY- Layunin ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA) na palawakin at palakasin ang volunterism sa iba’t ibang paraan at sa pamamgitan din ng pakikipag-ugnayan sa mga institusyon, local government, mga ahensya at iba pa.
Ayon kay Pia Castilo ang siyang Senior Volunteer officer ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency na ito isang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na may mandato na itaguyod at i-coordinate ang mga programa at serbisyo ng boluntaryo sa bansa.
Aniya na isa sa kanilang tinututukan ngayon ay kapag mayroong mga kapyestahan ang nangyayari dahil nakikita nila ang pagtutulungan at volunterism ng bawat isa sa mga ganitong selebrasyon.
Kung saan kanilang ipinopromote ang programa para sa lahat at ang adbokasiya sa volunteerism.