Inaasahan ng Ecowaste Coalition na madami ang makokolektang basura sa nalalapit na kapistahan ng Sto. Niño kung saan marami na silang nakikitang mga tents at vendors.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Aileen Lucero National Coordinator, Ecowaste Coalition mainam na ipaalala sa mga deboto ang tamang pagsegregate at pagtapon ng mga basura marahil ito ay nakasisira sa kalikasan.

Saad niya na ang bawat vendors na kanilang nakita ay mayroon lamang tig-isang bin, dapat sana ay dalawa upang matutong magsegregate ang mga tao.

--Ads--

Bagama’t ay lumiit ang volume ng basura na nakolekta noong nakaraang taon kumpara noong taong 2023 aniya ay mainam parin na magabayan ang mga magtutungo sa pamamagitan ng mga environment friendly na lalagyan.

Bukod dito ay binigyang diin din niya na dapat ay hindi lamang awareness raising ang pagtuunan ng pansin bagkus ay dapat may political will din ang mga nakaupo dahil mawawalan ng saysay ang mga panawagan at hindi susunod ang mga tao kung hindi naman maayos na maipapatupad.

Kaya’t panahon na para mas maging mahigpit ang mga Local Government Units (LGUs) upang magkaroon ng decrease sa kalat.