Dagupan City – The long wait is over para sa vlogger na si Zeinab Harake sa kaniyang fiance na si PBA player na si Bobby Ray Parks, Jr.

Ito ay dahil sa engaged na ang dalawa. Ayon kay Zeinab, katuparan ito sa kaniyang pangarap na magkaroon ng buong pamilya.
Nito lamang linggo ng gabi, July 7, 2024, ibinahagi ni Zeinab ang romantic proposal ng fiance.

Kung saan ay makikita sa social media post ni Zeinab na naganap ito sa isang events place na mala-fairy tale ang set-up dahil napuno ito ng bulaklak at fairy lights.

--Ads--

May life-size letters din na nakasaad ang “WILL YOU MARRY ME?”
Pareho namang naiyak ang dalawa nang pormal na hingin ang kamay ng sikat na vlogger.

Bago pa man nito ay humingi na ng basbas si Bobby sa mga magulang ni Zeinab, at sa mga kapatid nito.

Sa loob ng halos dalawang taong pagiging magkasintahan nina Zeinab at Bobby, nakita raw ng mga kapamilya ni Zeinab kung gaano kamahal ni Bobby ito.

Siniguro naman ni Bobby na hindi lang si Zeinab ang mamahalin niya kundi pati mga anak nito.
Ang anak ni Zeinab si Bia ay anak ng ex-partner nitong si Skusta Clee at may adopted son din ito na si Lucas.